Mula sa itim na usok ay may nabubuong mga pigura--pigura ng mga demonyo! Mga ngumingisi at humahalakhak na demonyo! Nagsimula ang sunod-sunod na kabuktutang pinaggagagawa ni Roger nang pumasok sa katawan niya ang itim na usok mula sa nabasag na jar ng pasahero niya sa pinapasada niyang taxi. Wala sa karakter ni Roger na manggahasa o ipilit ang sarili sa isang babae. Pero nagawa niyang gahasain ang isang saleslady sa kabila ng pag-iyak at pagmamakaawa nito. Hindi siya makapaniwalang magagawa niya iyon. Ngunit simula pa lang pala iyon... Nanunog siya ng bahay. Pinatay niya pagktapos abusuhin ang isang walong-taong-gulang na bata. Pumatol siaya sa kapwa niya lalaki. Nangwasak siya ng masayang pamilya. Sinagasaan niya hanggang sa mapatay ang isang lalaki, Kumain siya ng lamang-loob ng tao. At huli na nang malaman niyang kinokontrol ng pitong demonyo ang kanyang pagkatao -- pitong demonyong hindi niya alam kung paano palalayasin sa kanyang katawan...
Le informazioni nella sezione "Riassunto" possono far riferimento a edizioni diverse di questo titolo.
(nessuna copia disponibile)
Cerca: Inserisci un desiderataNon riesci a trovare il libro che stai cercando? Continueremo a cercarlo per te. Se uno dei nostri librai lo aggiunge ad AbeBooks, ti invieremo una notifica!
Inserisci un desiderata